Sunday, December 13, 2020

Munting Handog sa mga Batang Hamog



Isang Fund Campaign ang inilunsad ng AHON upang makapagbigay tulong sa mga batang napagkaitan ng pagmamahal, kalinga at biyaya ng maayos na kinabukasan.

Sa halagang singkwenta....isang food pack ay husto na upang mapakain ng pananghalian ang isang bata.

O kaya naman....ang halagang singkwenta ay makakabili na ng isang |hygiene kit" upang mapanatili silang malinis at ligtas sa banta ng pandemya.

 Alin man sa dalawa o kaya naman ay pareho na...kung hindi po nakakahiya.

Tayo ay magkaisa makalikom ng sapat na halaga upang mabigyang tulong ang 100 bata na kinukupkop ng 2 bahay ampunan sa San Pablo City.

Pagtiwalaan po ninyo at ating pagsikapang maiAHON ang nakalugmok nating mga kabataan.

Tumatanggap din po kami ng mga luma ngunit mapakikinabangan pang mga t-shirts at shorts pambata edad 5 hanggang 15.

Deadline ng mga donasyo: December 7, 2020

Sumunod na mga kaganapan: 

Nagkaron po kami ng pagkakataon na makasilip sa mga bahay ampunan upang magkaron ng mga impormasyon kung paano isasagawa ang Outreach ayon sa ipinatutupad ng Safety Protocol Iwas Covid-19.

Nabigyan po tayo ng pribeheliyo na malaman ang eksaktong bilang ng mga bata. At sa saglit naming panayan at pagmamasid naibahagi din sa atin ang ilan pa nilang pangangailangan.


Pagsasagawa ng mga gawain:

Nag uumapaw na pasasalamat sa inyo pong lahat na naniniwala at tumatangkilik  sa layunin ng AHON sa isinagawang Fund Campaign upang damayan ang mga batang salat sa kapalaran na kasalukuyang nasa mga bahay ampunan.

Bilang tugon sa inyo pong malasakit ay inaanyayahan po kayong lumahok sa gaganaping Outreach nang personal ninyong masaksihan ang pagsusulit ng  nga pagkain, damit at hygiene kits  na ipapamahagi sa mga bata, pati na rin mga bigas pangsaing nila sa mga susunod pang mga araw.

Sa mga donors na lalahok at balak magdala ng kani-kaniyang sasakyan.  Maari po kayong magsakay ng isa hanggang 2 kapamilya na nais ding sumama sa outreach. Hinihiling din po kung maari ay mag-anyayang magsakay ng iba pang mga donors na gustong sumama.  PM po kayo sa akin kung sino-sino ang sakay ninyo upang magkaron ng kumpirmadong bilang ng mga sasama.  Please confirm your attendance UNTIL Dec 9.

Sa mga walang sasakyan, hinihiling po na mag PM sa akin mula ngayon hanggang Dec 9 upang masiguro ang inyong sasakyan sa paglahok. Kukuha po tayo ng comportableng sasakyan para sa inyo kasabay ang iba pang mga donors.  Maghanda po ng halagang P150 para sa sasakyan.

Ipina-aalala pong muli ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pagpapanatili ng social distancing sa tuwina.

Pagkatapos po ng Outreach ay sabay-sabay tayong tutungo sa isang lugar para kumain ng pananghalian.  Isang lugar sa tabi ng Sampaloc Lake na may magandang tanawin at sariwang hangin. Meron na pong inihandang pagkain para sa atin:  ginisang munggo, hotdog at kanin.  Para sa iba pang may nais kainin o inumin dagdag sa pananghalian,  maaari po kayong umorder sa lugar. Kayo na po ang sasagot sa inyong inorder.

Matapos ng pananghalian, isa pa pong  dagdag na Outreach activity ang ating isasagawa. Sa pagkakataon pong ito ay isang Home for the Aged (Bahay Pag ibig) naman ang tutunguhin upang magbigay ng pagkain, damit at hygiene kits din mula sa natirang pondo sa ating Fund Campaign.

Bibili po tayo ng pagkain na nasa mga bilao sa San Pablo na siya naman nating dadalhin sa Bahay Pag-ibig.

Matapos ng Outreach, naglaan po tayo ang kaunting sandali upang pagnilayan ang mga bagay na isinagawa at  muling pasalamatan ang mga donors na naging malaking bahagi sa pagsasakatuparan ng ating Outreach.  Tutungo tayo sa isang "cafe" at doon makapagmuni-muni sa natapos na kaganapan. Bago umuwi, hinihiling pong magkaroon ng ilang larawan bilang souvenir sa naganap na gawain.




Isadakatuparang mga  Gawain:

9:00 am Arrival of Vehicles
Grandia van - jojo & Debbies Burgos house
L300 Van - Elisa's house @ Lirio st.

9:00 - load boxes (grandia)
         - load boxes/Rice ( L300)
Ang mga sumusunod ang ikakarga sa L300 van ayon sa pagkakasunod-sunod:
1 Box may name na Nazarerh Staff - pinakaloob ng van
1box may name na Center 2
1 plasric bag may name C1-Houseparents
2 sacks ng rice
1 box may name na Center 1
1 plastic bag may name Houseparent
1 plastic bag may name Assorted Footwear
Persons in Charge: Elisa, Tiernan, Charles

Adter loading please wait for the Grandia to arive then will proceed to buy 3 more sacks of rice

Ang mga sumusunod  ang ikakarga sa Grandia Van
12 Boxes containing Hygiene kits
1 box named Bahay Pag-ibig
125 food packs
Persons in charge
Allen
Bien
Rem
Jojo

9:30 am After loading we proceed to ate Lisa's and arrange passengers as follows:

Grnadia van
Debbie
Elaine
Sherchris
Sol
Lisa
Necy
Meldy

L300 Van
Eric
Allen
Tiernan
Jojo
Charles

Navarra
Rizza
Angela
Bien
Rem
Edwin

Vehicles to meet at Center 1

Car 1
April
Jen
Josh

Car 2
Alden
Bojie


10:00 - Drop-buy @ Rice Store
           - place ordersfood bilao for BP
           - ETD to CWPC Center 1
10:30 - ETA CWPC Center 1
          - unload food packs
           - unload VIOLET hyge kit bxes
           - unload extta box of clothes
           - unload footwear bag
           - unload housparent bag
           - unload 2 sacks of rice

FOR Impromptu documentations by Rem & Bien. Other members can take pictures too.

NOTE: DUE to the pandemic, there will be no program  nor no other activity during the outreach. We just recount and endorse goods to be given.  No interaction whatsoever with our target beneficiaries.
After the turn over...we will just wave our hands and say goodbye. Grab that great opportunity and have some beautiful pictures taken for documentation.

All are encouraged to help out bring assigned food packs, boxes and bags of goodies inside the center. However please wait for the  dispatch instructions to be giv


KAGANAPAN

......at eto na nga po ang narating ng mga singkwenta pesos natin:

99 na mga bata mula sa CWPC Center 1 & 2 (Center of the Welfare and Protection of Children) 

44 na mga matatanda mula naman sa Nazareth Bahay Pag-ibig Home for the Aged












At sa darating na Sabado, December 19, 2020, lulubos-lubosin na natin ang pagkakawanggawa mula sa nati tira nating pondo at magbibigay ng pagkain pameryenda sa ating mga kababayan nasa likod ng mga rehas ng bilangguan. 



 



No comments:

Post a Comment